1 00:00:04,467 --> 00:00:10,266 Sulat ng Pag-ibig para sa Sundalo 2 00:00:24,004 --> 00:00:25,003 Mahal kong Samsul 3 00:00:26,000 --> 00:00:32,005 Samsul, sinulatan kita ng dalawang beses pero hindi ka sumagot. 4 00:00:33,005 --> 00:00:41,007 Sa tulong ng video letter na ito, sana makita mo ang iyong anak at mahimuk kang sumagot. 5 00:00:52,003 --> 00:01:00,003 Dinala ko ang video letter na ito galing pa sa Bupul papuntang Merauke para mapanood mo. 6 00:01:02,003 --> 00:01:08,004 Samsul, nakatira pa rin ako sa Bupul kasama sa Nanay at Tatay. 7 00:01:08,007 --> 00:01:13,006 Walang nagbago sa Bupul. Sariwa pa rin ang hangin 8 00:01:14,000 --> 00:01:18,009 Hanggang ngayon wala pa ring kuryente at telepono. 9 00:01:25,000 --> 00:01:31,001 Papunta ng Merauke, marami kaming dinaanan na mga border security posts. 10 00:01:32,004 --> 00:01:36,004 Yung poste ng TNI na dating malapit sa Maro River tulay 11 00:01:36,004 --> 00:01:40,008 nilapat na malapit sa opisina ng Eligobel District. 12 00:02:04,009 --> 00:02:09,007 Alam mo naman na mahirap ang biyahe galing Bupul papuntang Merauke, 13 00:02:09,007 --> 00:02:12,005 tumatagal ng 4 hanggang 5 na oras. 14 00:02:13,027 --> 00:02:15,059 Samsul, nangungulila ako sa iyo. 15 00:02:19,028 --> 00:02:26,036 Pagkatapos mo akong iwanan -- nung ikalimang buwan ng pagbubuntis ko 16 00:02:26,097 --> 00:02:28,098 - humirap ang buhay ko. 17 00:02:30,005 --> 00:02:35,018 Maraming nagtatanong kung sino ang ama ng anak ko. 18 00:02:36,008 --> 00:02:42,077 Yung nakakaalam na sundalo ng TNI ang ama nya tinatawag siyang 'army brat'. 19 00:02:49,026 --> 00:02:52,093 Minsan kapag nagaalboroto si Yani, 20 00:02:52,099 --> 00:02:56,039 sumisumiklab sina Nanay at Tatay at sinasabi sa kanya 21 00:02:57,070 --> 00:03:05,026 "Yung Tatay mo alam lang gumawa ng bata pero di ka naman pinanagutan!" 22 00:03:05,057 --> 00:03:07,003 Madalas tahimik ko na lang tinatanggap yung mga masakit na pananalita ng nila. 23 00:03:17,027 --> 00:03:24,070 Samsul, naalala mo pa ba nung nagkakila tayo nung 2008? 24 00:03:25,001 --> 00:03:27,034 Napakabait at magalang mo. 25 00:03:28,004 --> 00:03:35,066 Bumibisita ka sa bahay namin, parating may dalang biskwit, Energen at gatas. 26 00:03:42,061 --> 00:03:47,037 Bumisita araw-araw hanggang sinagot kita. 27 00:03:48,005 --> 00:03:52,003 Nasa high school pa lang ako nun. 28 00:03:53,068 --> 00:03:57,003 Akala ko magpapakasal tayo. 29 00:03:58,001 --> 00:04:03,001 Pero umalis ka papuntang Bandung nung Nobyembre 2008 nung ikalimang buwan ng pagbubuntis ko. 30 00:04:03,076 --> 00:04:11,000 Sumumpa ka na lilipat ka ng Merauke at nakiusap ka ng alaagan ko muna ang ating anak. 31 00:04:13,097 --> 00:04:22,085 Pinanganak si Anita Mariani nung 17 Marso 2009 sa Bupul. 32 00:04:23,003 --> 00:04:25,032 Tinatawag ko syang Yani. 33 00:04:26,066 --> 00:04:32,053 Malaki na si Yani. Tatlong taong gulang na sya. 34 00:04:32,092 --> 00:04:40,036 Gusto nyang mag-aral para maging kapaki-pakinabang sa ating bansa. 35 00:05:23,003 --> 00:05:26,080 Samsul, tumatanda na sila Nanay at Tatay. 36 00:05:26,096 --> 00:05:34,003 Hindi na nila kayang magtrabaho para suportahan ang anak natin. 37 00:05:35,077 --> 00:05:42,050 Nahihirapan akong maghanap ng trabaho dahil kailangan kong alagaan si Yani. 38 00:05:43,030 --> 00:05:49,027 Pero nagsisikap pa rin ako para masuportahan ang anak natin. 39 00:05:50,024 --> 00:05:58,096 Kung bumalik ka, syempre tatanggapin kita ng buo sa loob ko. 40 00:05:59,079 --> 00:06:02,082 Iintayin pa rin kita, Samsul. 41 00:06:03,004 --> 00:06:06,028 Wala akong pakialam kung anong sinasabi ng iba. 42 00:06:07,084 --> 00:06:13,061 Pag-ibig galing Bupul at Merauke, 21 Nobyembre 2011. 43 00:06:13,087 --> 00:06:16,011 Maria Goreti Mekiw