1 00:00:01,959 --> 00:00:05,000 Kuntento kami sa pagiging kakaiba. 2 00:00:05,014 --> 00:00:07,616 Walang magarbong palatandaan ng sapi 3 00:00:07,616 --> 00:00:09,594 sa tabi ng pangalan namin sa balita. 4 00:00:09,594 --> 00:00:11,390 Wala kaming tubo. 5 00:00:11,670 --> 00:00:14,394 Wala kaming kinikilingang artistang inaangat sa iba. 6 00:00:14,610 --> 00:00:16,100 Kakaiba kami mangalakal, 7 00:00:16,100 --> 00:00:17,486 makipagpirmahan 8 00:00:17,486 --> 00:00:18,822 o makipagkamayan, 9 00:00:18,822 --> 00:00:20,342 kung ihahambing sa madla. 10 00:00:20,897 --> 00:00:22,960 At ayos lang lahat ng iyon sa amin. 11 00:00:23,664 --> 00:00:25,542 Kami'y ginaganyak sa sari-sariling paraan, 12 00:00:25,542 --> 00:00:27,290 hindi takot lumihis sa nakasanayan, 13 00:00:27,290 --> 00:00:29,377 at kakaiba kung makipagsapalaran. 14 00:00:29,654 --> 00:00:32,310 Kung saan mahalaga para sa ibang kumpanya ang nasa ibaba, 15 00:00:32,395 --> 00:00:35,021 ang mahalaga naman sa amin ang... pagpapahalaga. 16 00:00:35,590 --> 00:00:38,916 Kung kailan ang kalaba'y may bagay na nais akuin o angkinin, 17 00:00:38,916 --> 00:00:40,834 ang paglaya nito ang aming hangarin. 18 00:00:41,172 --> 00:00:43,317 At habang halos lahat ng produkto at teknolohiya 19 00:00:43,317 --> 00:00:45,215 ay patagong ginagawa, 20 00:00:45,215 --> 00:00:46,797 ang sa ami'y sadyang isinisiwalat, 21 00:00:46,797 --> 00:00:48,749 upang sa lahat ay maikalat. 22 00:00:48,832 --> 00:00:52,190 'Di kami hawak ng may mataas na antas dahil sa pera o kapangyarihan. 23 00:00:52,316 --> 00:00:54,112 Hindi kami tumutugon sa kahit sino, maliban sa inyo. 24 00:00:54,502 --> 00:00:56,460 'Di rin kami kumikilos dahil katuwaan lang siya, 25 00:00:56,460 --> 00:00:58,820 kahit talaga namang nakatutuwa. 26 00:00:58,922 --> 00:01:00,348 Ganito kami gumawa 27 00:01:00,348 --> 00:01:03,570 dahil para sa amin, ito ang tama. 28 00:01:03,570 --> 00:01:05,500 Na mas matimbang ang prinsipyo kaysa sa tubo. 29 00:01:05,519 --> 00:01:08,650 Na itinataob ang paglihim ng pagtataimtim, 30 00:01:08,767 --> 00:01:11,500 ang interes ng iilan ng hinaing ng karamihan. 31 00:01:11,675 --> 00:01:13,898 Ang web para sa amin ay dapat inaalagaan 32 00:01:13,898 --> 00:01:15,175 kaysa pinagkakakitaan, 33 00:01:15,313 --> 00:01:17,067 maging bukal na kinakalinga 34 00:01:17,067 --> 00:01:19,487 kaysa maging bagay lang na ibinebenta. 35 00:01:19,487 --> 00:01:21,138 At naniniwala kami sa pagbabago 36 00:01:21,138 --> 00:01:25,100 na pinauupo ang gumagamit sa tapat ng manibela. 37 00:01:25,465 --> 00:01:26,937 Ngunit higit sa lahat, 38 00:01:26,937 --> 00:01:28,902 may tiwala kami sa inyo. 39 00:01:29,086 --> 00:01:31,828 Para sa amin, ang pinakamagandang browser ay magagawa lamang 40 00:01:31,828 --> 00:01:33,457 ng mga enhinyero, programista, 41 00:01:33,457 --> 00:01:36,208 ilustrador, at taong tulad niyo, 42 00:01:36,208 --> 00:01:39,587 na naglalaan ng oras, dunong, lakas, at tulong sa layunin namin. 43 00:01:39,587 --> 00:01:41,586 At naniniwala kaming sama-sama, 44 00:01:41,586 --> 00:01:43,113 na may iisang layunin, 45 00:01:43,113 --> 00:01:46,252 maipapagpatuloy natin ang pagbabago para sa indibiduwal, 46 00:01:46,252 --> 00:01:47,658 at para sa pag-usbong ng web. 47 00:01:47,658 --> 00:01:49,655 Upang ngayon at kailanman, 48 00:01:49,655 --> 00:01:51,492 ito'y maglilingkod para sa kabutihan. 49 00:01:51,492 --> 00:01:53,990 Tayong lahat ay Mozilla Firefox. 50 00:01:54,263 --> 00:01:56,321 Hindi lang kami kakaibang browser, 51 00:01:56,588 --> 00:01:59,160 kami'y browser na nagsasagawa ng pagkakaiba.