[Anong Bago sa Firefox] Ngayon ay mas madali at mas mabilis ka nang magtungo sa kung sa'n mo gusto sa pinakabagong Firefox. Sa tulong ng pinagandang Home page, madali nang mag-access at mag-navigate sa mga opsyon na kadalasang ginagamit mo. Tulad ng downloads, bookmarks, history, mga add-ons, sync at mga setting. [New Tab Page] Naglagay rin kami ng mga pagbabago sa iyong New Tab page. Sa New Tab page, madali nang pumunta sa mga site na kadalasan mong pinupuntahan sa isang click lamang. Upang simulan ang paggamit ng New Tab page, lumikha ng bagong tab sa pamamagitan ng pag-click sa '+' sa itaas ng iyong browser. Ang New Tab page ay magpapakita ng mga thumbnail ng mga site na kadalasan mong pinupuntahan galing sa iyong Awesome Bar history. Maaari mong i-costumize and iyong New Tab page sa pamamagitan ng pagda-drag ng mga thumbnail sa palibot upang baguhin ang pagkakaayos-ayos. Mag-click sa pushpin upang i-lock ang site sa kinatatayuan, o sa 'X' button upang alisin ang site. Maaari mo ring i-click ang 'grid' icon sa kanang tuktok ng page upang bumalik sa blanko na bagong Tab page. Kunin na ang pinakabagong Firefox at magsimulang gumamit ng mga bagong katangian ngayong araw!